Huwebes, Oktubre 4, 2012

[REPORT] World Premiere of JROCK Evolution 2012


Ang "Cool Japan" ay nakatanggap ng malawakang atensyon mula sa buong mundo. Ang kanilang mga simbolo ay mga anime, video Games, fashion, at Visual Kei na kumakatawan sa genre na JRock. Ngayong taglagas, anim na bigatin at pinakakilalang Visual Kei artists ang kasali at sa tour ng JROCK EVOLUTION 2012 sa Japan at Asya. Ito ang kauna-unahang Visual Kei event na gaganapin sa labas ng Japan.


Ang anim na napiling banda para sa event na ito na siguradong gagawa ng kanilang marka sa mundo ng Visual Kei, at siguradong magbibigay na hindi malilimutang live performance: Ang MUCC, na ang mga tagahanga ay hindi lamang sa Japan, ngunit meron din sa Europa, Amerika, at Asya; Alice Nine, na nagsimula bilang isang banda sa loob ng walong  taon at ang kasalukuyang nagiging lider ng pagpapakilala ng Visual Appearance bilang isa kanilang talento; girugamesh, na ang musika ay hindi lamang umiikot sa kilalang music scene sa Japan, ngunit sila'y handang tumuklas ng panibagong musika; SuG, na may konseptong "HEAVY POSITIVE ROCK", at kilala bilang tagapag-abot ng mensahe na nagbibigay tapang sa kanilang tagapakinig/tagahanga; UNiTE, nagsimula lamang isa at kalahating taon lamang ang nakalilipas, na tutugtog sa pinakahihintay na "Individual show live"  sa Tokyo Kokusai Forum sa ika-17 ng Setyembre;
D = OUT, sila'y isa nang banda sa loob ng limang(5) taon, na naging matagumpay sa kanilang tour sa bansang Taiwan at Hongkong noong Hunyo. --- Ang event na ito ay siguradong magiging maganda at matagumpay para magkaroon ng mga napakagagaling na mga banda.



Sa ika-21 ng Agosto, sa Odaiba, ang anim na banda ay nagtipon para sa isang world premiere. Naganap ito sa lugar ng Diver City, Tokyo kung saan ang simbolo ng Cool Japan, ang GUNDAM, ay nandoon din sa eksibit. Ang mga naturang banda ay naglakad sa red carpet. Ang kanilang mga tagahanga na naghintay para sa prestihiyosong event na ito ay nagsigawan nang mula sa kanilang mga puso.



Ang temperatura ng araw na iyon ay nasa 34°C, ang pinakamatinding init sa buong araw. Tiyak na ang naturang panaho ay nakadulot ng hindi kaaya-ayang pakiramdam sa mga imbitadong banda. Kahit na ang live performances ay normal na talagang ainit at intense, ang lahat ng dumalo ay nagsasabi ng "It's hot! It's hot!" Nakita ni DJ Dainoji sina Satoshi (Vo, girugamesh) at Tatsuro (Vo, MUCC) na positibong gaganap sa JROCK EVOLUTION 2012.

"The live show probably more than we soak sweat", at nagtawanan ang mga manonood. "But I'm dying of heat."*

Shou(vocals, Alice Nine)**:"Along with the bands that will perform at this event, we would like to cause a sensation in Japan and abroad,"

Satoshi (vocals, girugamesh): "I want to run around the stage to support me in the greatness of the music!"

Takeru(vocals, SuG): "girugamesh did not accept our offer of a battle between bands this summer, so we would like revenge of them with this event."

Yui(vocals, UNiTE): "We are still a young band, so we want to show everyone what we are refreshing."

Kouki (vocals, D = OUT)**: "I thought it would not so hot wearing black clothes ..." (smiles) / "This is the first time will share the stage with other bands, so I hope with many anxieties."




Napag-alaman na sa ika-5 ng Oktubre, 2012, ang bandang MUCC ay sigurado nang magpapakitang-gilas sa Singapore. Ang Alice Nine, kasama muli ang MUCC, ay magpapakitang-gilas naman sa Jakarta, Indonesia sa ika-7 ng Oktubre, 2012. MUCC, Alice Nine, at girugamesh naman sa Taipei sa ika-21 ng Oktubre, 2012. Ang lahat ng banda ay magpapakita sa Tokyo sa ika-3 ng Nobyembre.






Sources:
Official:Visual goes JAPAN
Translation to Filipino: 9Mirage (Chiinyan Kuroneko)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento