Huwebes, Nobyembre 29, 2012

[Interbyu] xinmsn [11.28.12]




Mula sa indie patungo mainstream, hindi maiwasan ng mga bandang Visual Kei ng Japan na mag-ibang anyo mula sa makakapal na makeup at “elaborate costumes” at magkaroon ng “much milder aesthetic”.

Bilang isa sa “top Visual Kei rock bands”, ang imahe ng Alice Nine ay nag progreso mula sa kanilang take sa tradisyonal na pananamit ng mga Hapones sa isa na may kalakip na “street fashion”.

Ngunit hindi hinahayaan ng banda na sila ay i-pigeonhole sa label na “visual”. Sa isang email interview sa xinmsn bago ang kanilang unang paglalakbay sa Singapore, kanilang sinabi na sa paglipas ng mga taon, ang katagang “visual” ay nagkaroon ng sari-saring kahulugan na mahirap na itong i-define bilang isang genre.

“Maging maganda kung maipakita nito (visual rock music) ang mga aktibidades nito sa mundo na hindi nalilimitahan ng katagang ‘visual’,” dagdag sabi nila.

Ang limang miyembrong grupo na binubuo nina Shou (lider at bokalista), Hiroto (gitarista lead), Tora (gitarista rhythm), Saga (basista), at Nao (drummer), ay mangunguna sa Sundown Festival 2012 na gaganapin ngayong Sabado (ika-1 ng Disyembre) sa Marina Promenade.

Kasama sa concert ay sina Raymond Lam ng Hong Kong, Anthony Neely ng Taiwan, Jeno Liu ng Tsina at ang boyband na BTOB ng South Korea. Sa kanyang ika-apat na taon, ipinapatuloy ng Sundown Festival ang misyon nito na i-celebrate ang musika ng Asya habang tinutulayan ang mga gap sa kultura.

Ito ay magiging kauna-unahang punta ng Alice Nine sa Singapore. Isang kasiyahan para sa kanila ang makipag-ugnayan sa kanilang overseas fans sa pamamagitan ng kanilang musika, sa kabila ng hadlang ng wika.

Sa paglaganap ng Korean music sa Japan sa mga naglipas na taon, inibahagi rin ng Alice Nine ang kanilang kagalakan na mag-perform sa isang stage kasama ang Korean groups. Kanila ring sinabi na ang BIG BANG ay isa sa mga grupong kanilang pinagkakainteresan.

“Given that K-Pop has taken the world by storm”, ang mga Japanese singer ay nagbibigay din ng effort na makilala internationally, ngayong nakita nilang ito ay may potensyal na pagkikitaan liban sa kanilang bansa. Namie Amuro, L’Arc~en~Ciel, AKB48, at Perfume. Ilan lang sila sa mga nakapunta na ng Singapore sa naglipas na dalawang taon.

Patungkol sa pag-represent ng Alice Nine sa Japanese Visual Kei music, kanilang sinabi, “We would like to present Visual Rock, which has been rearranged with a Japanese style, as a token to foreign countries from where we have imported rock culture.”

Ang kanilang nakaraang album, GEMINI, ay napunta sa ikatlong spot sa Oricon Weekly Album Charts sa paglabas nito. Iyon ay kanilang nagging pinakataas na ranking. Ang kanilang pinakabagong album, “9”, ay naging maganda din ang rango.

Sa ngayon, patuloy ang kanilang Court of 9 live tour sa Japan. Sinabi ng Alice Nine na gusto nilang ibahagi ang kulturang Hapones, lalo na sa pamamagitan ng kakaibang kultura tulad ng anime, sa mga tao sa labas ng bansa.

Sa kung ano ang kanilang layuning, excited na tumugon ang Alice Nine, “World tour! And just like Iron Maiden, to buy a plane just for Alice Nine!”

Ang tickets para sa Sundown Festival 2012 ay maaaring bilhin sa pamamagitan ng SISTIC online, telepono, at counter bookings.

Sundown Festival 2012
Date: December 1, 2012 (Sab)
Opening hours: From 5.30 PM
Theatre: Marina Promenade (F1 Pit Area, near Singapore Flyer)




Source: Xin MSN
Mula Ingles - Filipino: Seruka Sakamoto

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento