Huwebes, Disyembre 6, 2012

[Live] Sundown Festival 2012, Singapore - Alice Nine




Dumating ang Visual-Kei/J-Rock na bandang Alice Nine sa Singapore para sa kanilang unang pagtatanghal sa Sundown Festival, ika-30th ng Nobyembre, 2012. Nagkaroon ng matinding excitement ang nadama lalo na ang mga Singaporean fans ng naturang banda noong inanunsyo na kasali ang Alice Nine sa mga inimbitahang magpeperform sa Sundown Festival. Inihahatid ng theRAshow ang isang coverage mula sa pagdating ng banda sa Sunny Shores, sa gaganaping fanmeet sa JCube, hanggang sa mismong concert performance na ng Alice Nine para sa Sundown Festival. Sina Alan at Lukai ang maghahatid ng mga mahahalagang pangyayari na naganap sa tatlong(3) araw.



Arrival ng Alice Nine sa Changi Airport, Singapore



Sinalubong ng mga fans ang Alice Nine sa oras na 5:40PM, oras na pagdating ng kanilang flight may numerong JL710. Ito ang pinaka-inaabangan ng mga fans kaya na lamang ay di na makapaghintay at puno ng excitement ang kanilang nadarama para sa Fanmeet sapagkat ito ang unang bisita ng Alice Nine sa Singapore  simula noong kanilang simula noong 2004. Nang sila'y nakita na, agad agad na pinapunta sa kani-kanilang mga hotels, habang ang mga fans ay di magkamayaw na sundan ang banda sa susunod na kanilang pupuntahan para lang masilayan sila. Samantala, ang gitarista ng Alice Nine, si Hiroto, ay hindi matagpuan ng mga fans sa buong grupo! Ito'y nag-iwan ng confusion sa mga fans kung nasaan ang gitarista at kung bakit hindi siya nakadating kasama ang iba pang mga miyembro.

Nagpost sa kanyang[Hiroto] Ameblo Blog na "[PSC] Alice Nine ヒロトのREDHOT BLOG" na nagsasaad na siya ay ipinadala sa ospital para sa isang medical treatment sa Japan. Hindi siya makakadalo sa Press Conference, gayon din sa mangyayaring fanmeet ngunit nakasisigurado na siya ay makakapunta sa Singapore para sa kanilang concert performance. Humingi ng paunmanhin si Hiroto sa kanyang mga fans at pati narin sa mga fans na nasa kani-kanilang mga tirahan. Ngunit, siya'y nangako na 100% ang ibibigay niya para sa performance!

Pagdating ng Alice Nine sa Marina Mandarin Hotel





6:45PM, dumating ang banda sa Marina Mandarin Hotel, kung saan isang grupo ng kanilang mga fans ang naghihinay. Iniayos agad ang pagpasok ng Alice Nine na idineretso papunta sa kanilang hotel. Unang lumabas si Tora, na sinundan ni Nao, na kumaway nang masigasig sa mga fans. Nagpakita rin si Saga na animo'y jetlagged na ang dating. Huling lumabas si Shou at nagulat nang makita ang mga fans na naghihintay sa kanya.

Bumaba muli ng lobby sina Tora at Shou at nakipagkita at kamayan sa kanilang mga fans na naghintay ng mahigit apat na oras para lang makita sila, bago magpatuloy at kumain ng kanilang dinner. Nagdinner sina Tora, Shou at mga kasama nila sa Kenny Rogers Marina Square. Kumuha si Shou ng isang Black Pepper Chicken, Potato Salad at Mac and Cheese at napag-alamang masarap ito mula sa kanyang mga tweets. Naiwan sa kanilang hotel sina Nao at Saga upang makapagdinner.

Sinigurado ng manager ng Alice Nine ang theRAshow na makakadalo si Hiroto para sa grand performance. Nang napatanong si Tora kung ano ba ang mga pagkaing dapat nilang masubukan o matikman sa Singapore, inirekumenda ni Lukai ang Chicke Rice, na isang dapat talagang matikmang pagkain sa Singapore. Makikita ang pagkamausisa sa kanilang mga mukha nang marinig ang "Chicken Rice."

Nagpunta din sina Tora at Shou sa 7-11 sa Marina Square upang tumingin kung ano ang mga itinitindang mga pagkain roon.


Sundown Festival Meet the Fans (sa JCube)


Isang mahabang pila ang natagpuan ang nakapalibot sa JCube. Mai-au-autograph ang mga poster ng unang 50 na dumalo!


Nakakasigla ang aura, sumisigaw ang mga fans habang nagpatugtog ang DJ ng mga kanta mula sa mga albums ng Alice Nine. Isang pagkadismaya naman ang naging reaksyon nila nung inanunsyo ng MC na hindi makakadalo ng fanmeet si Hiroto. 



Inihatid ng banda ang kanilang matinding pasasalamat sa lahat ng fans na dumalo at pumunta para sa "Meet the Fan" seksyon at para din sa mga pupunta sa concert. Sinabi din nila na ibibigay nila ang isang matinding live performance na talagang sosobra pa sa kanilang inaasahan. At dahil nga'y sila ay "iisa", ipinasabi din ng banda sa kanilang mga fans na walang magaganap na autograph signing sa kadahilanang sila ay isang banda/grupo, at para sa kanila ay hindi tama na pumirma sila ng mga posters nang wala ang isang miyembro.

"Ano ang pinakalatest na album ng banda?" Isang simpleng tanong na nanggaling mismo sa banda habang isinasagawa ang fan-meet. Isang masuwerteng fan ang napagbigyan ng pagkakataon na masagot ang tanong, at ang isinagot nito ay "Court of Nine", hindi napansin ang isang surpresa  na para lang sa napiling fan ... isang EXCLUSIVE ALL-Member Signed Poster!

Sundown Festival Concert




Noong tanghalian ay biglang bumuhos ang ulan, ngunit hindi ito naging hadlang sa mga fans, naghintay pa rin sila sa pilahan, umaasang makakahanap ng mga magagandang lugar bago magsimula ang concert. Sa simulang binuksan na ang gate, nagmadali ang mga fans papunta ng Merchandise booth para makabili at makakuha nga kanilang mga goods! Naging mabili at sikat ang Pink Lightning Slashed Penlight, kaya naman naubos agad ang stocks nito sa loob lamang ng 15 minutos!





Sumunod ang Alice Nine matapos ang pangatlong nagperform, at lahat ng fans ay naging excited at handa na! Lumakas lalo ang mga hiyawan at tilian  habang lumalabas ang mga miyembro papunta sa kanilang mga puwesto sa entablado. Pagkatapos nina Tora, Nao at Saga, nagmamadaling lumabas sa entablado si Hiroto upang batiin ang kanyang mga fans na may matinding tuwa at excitement habang nagpapahatid ng mga "flying kisses". Ang band leader, si Shou, ang huling lumabas na nakataas ang kamay sa ere, maaaring isang simbolo na, kumpleto ang limang(5) miyembro ng Alice Nine.



Nakatanggap ang mga fans ng anim(6) na kanta mula sa mga sikat na kanta ng Alice Nine, kasama na rito ang isa sa mga bagong labas na kanta, "Heart of Gold", na isa rin sa mga bagong dagdag sa sikat na arcade game na "Jukebeat Copious". Naging wild lalo ang mga fans habang tumatalon at nakigroove sa mga dance beats, sinasabayan ang pagkanta ni Shou haband ito'y naglalakad sa platform. Nadama ang pagbago ng atmosphere simula nang sila ay tumapak sa entablado, mula sa BTOB Pop Concert, sa isang Alice Nine Rock & Roll Concert.


Pagkatapos ng set, sumunod na tinugtog ng Alice Nine ang hit single nilang "RAINBOWS." na sinundan ng "FANTASY" kung saan itinaas ng mga fans ang kani-kanilang mga penlights at sinabayan ang pagkanta ni Shou, pagkatapos ay ang "Blue Planet", "Tsubasa.", at ang pinakahuli na tumapos sa kanilang performance, ang "Shunkashuutou".




Departure on JAL71

Nagsimulang dumating ang mga fans na mas maaga sa 10:20PM sa Row 3, Japan Airlines. Naghintay sila hanggang madaling-araw, at sa wakas ay nalaman din ang kanilang arrival. Ang news na ito ay nagdulot para sa mga fans na pumila sa magkabilaang gilid ng entrance.

Dumating sa airport ang Alice Nine at ang kanilang crew ng 12:30am. Hindi na tumatanggap ng kahit anong mga regalo ang crew at ang members bago sila umuwi pabalik sa Japan, na ikinalungkot ng mga fans. Tinanggihan ngunit puno pa rin ng high spirits, nagpaalam ang mga fans sa Alice Nine, puno ng pagmamahal at tahimik na pagsigaw. Sa uulitin, Alice Nine.

Sa tweet mula kay Hiroto, kanyang sinabi, "bye bye Singapore I will see you again!!! ありがとう!"

Itinweet naman ni Shou, “Thank you for everything, SG fans!! 楽しかったよ、また会いましょう!”.

Ating abangan ang kanilang susunod na performance sa Singapore!


Source: theRAshow
Translation mula Ingles - Filipino: Chiinyan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento