Sa pagtatapos ng 2012, pumunta ang Alice Nine sa Singapore para sa isang live performance bilang kasapi sa isang event na tinatawag na Sundown Festival. Nagdala ng sari-saring artists ang Sundown Festival mula sa limang iba't-ibang Asian na bansa, kasama ang Alice Nine bilang kinatawan mula sa Japan. Ang gate ay itinakdang magbukas ng 5:30pm ngunit ang mga fans ay nagsimula nang pumila bago pa ang araw na iyon at nagtagal din hanggang gabi, dahil ito nga ay isang outdoor event na walang seat numbers.
Sa pagbukas ng mga gates, nagsimulang magmadali ang mga manonood direktang papunta sa pinakaunahan, o di naman kaya ay dumiretso sa mga booth kung saan ay itinitinda ang mga official merchandise ng banda. Naubos din kaagad ang mga goods nang madalian, kung saan ang muffler towel ay talagang sikat at ang unang item na naubos sa listahan.
Ang Alice Nine ang pang-apat sa nagperform sa lahat ng limang international artists. Sa pagtatapos ng pangatlong act, nakita ang ibang staff na naghahanda para sa pagpeperform ng Alice Nine, katulad na lamang ng pagtotono ng mga string instruments kasama na rin ang mikropono, pati na rin ang drums. Nagsimulang maghiyawan ang mga fans kapag sila'y nakakakita ng mga instrumento ng miyembro ng Alice Nine kahit na ang may hawak ng mga ito ay ang mga staff mismo.
At sa wakas ay oras na ng Alice Nine upang magperform, at dahan-dahang pumunta na sa entablado ang mga miyembro - Tora, Saga, Nao, Hiroto at huling sinundan ni Shou. "Heart of Gold" ang kanilang simula na sinamahan naman ng mga fireworks sa entablado. Tumalon sa chorus sina Tora at Saga na talagang ipinapakita ang kanilang excitement at tuwa. Sinabayan naman ng mga fans ang kanilang pagkanta sa mga English parts ng kanta at nabighani nang si Tora ang sumigaw sa bridge.
Ang sumunod na kanta ay ang "RAINBOWS" at hindi nakalimutan ng audience na humiyaw nang sina Tora at Hiroto ang tumutugtog para sa opening nang magkasunod. Ito naman ay sinundan ng matinding pagheadbang at habang sa verse, iginalaw naman ni Shou ang kanyang kamay, na para bang ipinapakita ang paggalaw sa mga fans. Nagheadbang nang matindi ang mga miyembro habang tinutugtog ang kanta - kahit si Hiroto, na kamakailan lamang ay nakaranas ng medical treatment bago pa ang event. Masayang makita na ang lahat ay nakikisaya sa nagaganap na iyon.
"Hello Singpore! Make some noise! We are glad to see you Singapore!" Binati ni Shou ang audience matapos ang pangalawang kanta. "The next song is my favorite song, 'FANTASY'."
Inilabas ng mga fans ang kani-kanilang mga ilaw, hawak ang mga bagay katulad na lamang nga mga flash lights at pen lights na ibinenta bilang goods. Sinabayan nila ang pagkanta sa simula na sinamahan ng magandang pagtugtog nina Hiroto at Tora. Ibinigay lahat ni Shou ang lahat-lahat niya sa kantang ito, na puno ng emosyon, habang si Hiroto naman ang nagsesecond-voice sa chorus. Nadala ang mga fans sa kagandahan habang tinutugtog ng banda ang kantang ito.
Ang pang-apat na kanta ay "BLUE PLANET" at ito ay sinundan ng isang maikling MC mula kay Shou. Kinawayan niya ang mga manonood at nagtanong, "Are you guys having fun?", na sinundan ng matinding hiyawan mula sa mga fans.
"It is really fun. Thank you," Sabi ni Shou at nagpatuloy sa pagsasalita sa lenggwaheng Hapon. "Are you ready?" nagsimulang mag-init mula ang mga fans at nagsimula ang "TSUBASA" matapos nito. Ang nakakabilib na guitar solo ni Tora sa kantang ito ay nagstand-out at nakuha ang mga loob ng mga fans.
Ang pinakahuling kanta sa gabing iyon ay ang "SHUNKASHUUTOU." Kahit na hindi makagalaw sa buong stage si Nao, nagpatuloy pa rin siya sa buong performance nang masaya, ngumingiti-ngiti sa likod ng kanyang drum set. Sa pagtatapos ng kanta, pumalibot sa drum set ni Nao ang apat na miyembro upang ipakita ang kanilang pagkakaisa at isang magandang pagtatapos para sa gabing iyon.
Sa dulo ng palabas, inihagis ni Nao ang kanyang drum sticks sa mga fans, na sinundan naman ni Saga at Hiroto na inihagis din ang kanilang mga inumin pati na rin ang kanilang mga tuwalya. Ang pinakahuli, yumuko naman si Hiroto nang matagal sa mga fans habang umaalis na ng entablado ang mga miyembro, ipinapakita kung gaano sila nagpapasalamat na binigyan sila ng pagkakataon na maging kasapi sa event na iyon.
Kahit na ito ay isang maikling performance lamang, nag-enjoy ang mga fans at talagang pinahalagahan ito nang matindi, panigurado ay pati rin ang banda. Nakadagdag init ang gabing iyon sa buong festival at gumawa ng matinding pag-asa at paghihintay sa mabilis na pagbabalik ng Alice Nine sa Singapore - para sa isang solo performance.
Setlist:
1. Heart of Gold
2. RAINBOWS
-MC-
3. FANTASY
4. BLUE PLANET
-MC-
5. TSUBASA
6. SHUN KA SHU TOU
Source: musicJAPANplus
Mula Ingles - Filipino: Chiinyan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento