Ang Sundown Festival ay isang music festival na nagcecelebrate ng aura o kapangyarihan ng Asian unity at ito’y naganap sa Singapore ngayong taon. Ngayong taon, ito ay ginanap sa Marina Promenade(sa baba ng sikat na Singapore Flyer, malapit sa “Final Corner” ng F1 Circuits), na magtatanghal ng 5 acts: BtoB – South Korea ; Anthony Neely – Taiwan ; Liu Li Yang – China, ; Raymond Lam – Hongkong ; at Alice Nine – Japan. Sa kaparehas na weekend ding iyon, dahil sa matinding pagbaba ng temperature sa pagsalubong sa Disyembre(tropical monsoon climate sa Singapore), maraming Asian artists din ang tumugtog sa entablado na gumawa ng cover bilang PSY, na nagperform sa Marina Bay Sands habang ito’y nagpapahinga matapos ang kanyang global tour at ang 2NE1, na nagperform naman sa isang domed stadium. Napuno ang Changi Airport ng mga excited na local fans na nagtipon tipon upang Makita ang mga Asian stars na ito. Ang pagpapakita o pagdalo ng Alice Nine ay talagang nakatanggap ng matinding pagsalbuong na sumobra pa sa inaasahan noong sila ay nasa Jakarta at Taiwan. Kahit pagdating sa press conference na naganap kahapon, mas nakatanggap ng maraming tanong galling sa mga reporters ang Alice Nine, kumpara sa iba pang artists sa ibang bansa. Inamin din ng mga miyembro mula sa Chinese at Indonesian media na talagang inaabangan ang pagperform ng Alice Nine sa Singapore.
Naging makulimlim ang langit mula umaga, at nagkaroon pa ng bagyo kinatanghalian, na nakapagbasa sa entablado. Nag-alala ang mga staff kung magsisimula na ba ang palabas o hindi, ngunit biglang naging maaliwalas ang langit.
Habang naghihintay ang audience na magsimula ang palabas, sila’y nag-enjoy muna sa pailan-ilang Asian food stalls, sponsor booths, at mga palaro malapit sa coast na dagdag sa mga performances ng mga local dance groups at local bands na magpeperform din bilang opening acts. Ang naging pinakabusy sa lahat ng naganap na festivities bago magsimula ang show ay ang mga merchandise booths. Sa lahat ng mga ito, ang cabin ng Alice Nine ang may pinakamahabang pila, at nahirapan bilangin ang mga nakapila ditto dahil sa haba ng pila. Ang matinding paghihintay at pagmamahal ng mga local fans ay hindi malilimutan, dahil naubos kaagad ang mga itinitinda bago pa man magsimula ang concert.
Nagsimula na din sa wakas ang palabas ng 8:00PM, nang simulang bumaba na ang araw. Ang nagrerepresenta sa South Korea, ang BtoB, ang nagsimula ng show, ang kanilang performance youth ang nagpa-engganyo sa publiko. Sinundan ito nina Anthony Neely at Liu Li Yang na nagpabilis sa pag-usad ng palabas. Nang inanunsyo na ng MC na ang Alice Nine na ang susunod na magtatanghal, biglang narinig ang matinding sigawan ng audience na sinundan ng mga pagsigaw ng “Alice Nine!’, na sa sobrang lakas ay maaaring maririnig at mag-eecho ito sa mga kalsada sa Singapore. Sa tuwing maririnig ang isang tono o tunog mula sa isang instrument, maghihiyawan ang mga manonood ng “We cannot wait!/Di na kami makapaghintay!” Sa wakas, ay tinawag na rin ng MC ang banda at nagsimula na ring magsimula ang mga sound effects. Sinimulang isigaw ng audience ang bawat pangalan ng mga miyembro habang umiindayog sa rhythm ng musika. Sinabayan ng pag-indayog ang mga spectators nang magsimulang umilaw ang mga paputok sa entablado habang tinutugtog ang unang kanta, ang “Heart of Gold”, na pumuno ng excitement sa buong lugar. Ang sumunod na kanta, ang “RAINBOWS.” ay nagdulot ng matinding pagsabog muli ng mga paputok, at ang produksyon na ito ang dahilan kaya’t lalong naging wild ang audience. Sinabi ni Shou sa audience kung gaano siya kasaya at sumigaw ng “I’m glad to see you, Singapore!” sa wikang Ingles. At nang sinabi na ang susunod na kanta ay “FANTASY, nagsimulang itaas ang mga pailaw na itininda sa araw na iyon, katulad ng ginagawa din sa Japan, at itinaas din ng iba ang kani-kanilang mga cellphone, na hindi pangkaraniwan sa Japan. Ang mga major sponsors, SingTel at BlackBerry ay natuwa sa kanilang natunghayan. Ang mga sumunod na kanta ay ang “Blue Planet” at “TSUBASA.” Makikita sa kanilang setlist na talagang inabangan, at inubos ang lahat ng lakas ng Singaporean fans at matagal nang hinihintay ng mga fans ang pagkakataong ito. Sa kalagitnaan ng mga kanta, nagsimulang lakarin ni Shou ang T-shaped catwalk at tiningnan ang bawat korner ng lugar samantalang lumapit pa lalo ang mga fans. Nagtapos ang performance sa kantang “Shunkashuutou na talagang sikat sa Japan, mapa-abroad. Iniwan na ng banda ang entablado habang kinakawayan ang mga fans na animo’y sinasabing “Go again”, na nagpatindi pa sa hiyawan ng mga fans.
Nagpatuloy pa ang palabas, at sa ito nga ang unang performance ng Alice Nine, itong event na ito ay marahil naiiba kumpara sa Japan, ayon sa banda. Sa 6,000 katao na dumalo sa show, talagang nag-iwan na ng marka ang Alice Nine sa Singapore. Habang naghihintay pa para sa susunod na mga performance, pinahalagahan ng bawat miyembro ang mga reaksyon na galing sa mga fans sa kanilang mga puso habang sila’y pabalik sa Japan para sa kanilang tour doon.
[Tracklist]
1. Heart of Gold
2. RAINBOWS
3. FANTASY
4. Blue Planet
5. TSUBASA.
6. Shunkashuutou
Mula Ingles - Filipino: Chiinyan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento