I'm Alice Nine's guitarist, Hiroto.
Kakatapos lang namin ng aming summer tour.
Sa darating na Setyembre, pagkatapos ng isang taon, muli kaming magpe-perform sa isang festival sa Taiwan.
Isa itong malaking pagkakataon para sa amin, sa isang sitwasyon na walang kasiguruhan kung kailan namin muling magagawa ito.
Sa lahat nang maaring makapunta, panoorin niyo po ang Alice Nine.
Sa ngayon, sasagutin ko na ang mga tanong galing sa mga miyembro ng club.
Q. Ano ang bagay na pinakagusto mo sa tour ng Alice Nine? Ano ang hindi mo masyadong nagustuhan?
A. Hindi pa kami nakapag-international tour, pero sa national tours, hindi kami masyadong makapag-play around o kaya mag-inuman dahil masyadong madaming gawain. Pag nagto-tour kami, lives lang magagawa namin, kaya liban sa mga araw na naglalakbay kami, nagp-party kaming lahat at umiinom sa rock bars, nagpapakasaya kami ng todo dahil minsan lang namin magagawa 'yon. Iyan ang inaabangan ko talaga sa tours. Kung mag-tour overseas, gusto kong pumunta ng mga restoran at bars sa kada lugar na pupuntahan namin. Minsan, nakakasalubong kami ng fans, pero nangyayari naman talaga yan pag nagto-tour kami, kaya masisiyahan talaga ako pag magkakasalubong kami sa ganyang pagkakataon.
Q. Si Hiroto ang parating nagdidisenyo ng tour goods ng Alice Nine. Ano ang inspirasyon mo o saan ka kumukuha ng inspirasyon sa pagdidisenyo. Ang cool talagang lahat.
A. Nung bata pa ako, pag pumupunta ako sa lives ng iba't ibang artista, mahilig akong bumili ng goods bilang alaala ng live at bilang souvenir. Kaya, gusto kong maramdaman din ng lahat iyon pag nadidisenyo ako. Nanggagaling ang inspirasyon ko sa aking mga fashion at music booms noon. Nasisiyahan ako dahil sinabi mong cool sila. Tulad ng sinabi ko rati, ng nagkaroon kami ng lives sa Taiwan, pinaplano rin naming magdala ng goods mula sa Hapon. Abangan niyo po iyon.
'Yan lang po lahat sa ngayon.
Sa muli, ito po ang gitarista ng Alice Nine, si Hiroto.
Paalam!
Credits: Yanel/FAIX
Salinwika Ingles-Filipino: Seruka
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento